"I once wanted to be a BUTTERFLY..."

About Me

My photo
Makati, Philippines
Organized Chaos. A storm calmed by the King. Daughter of the best Abba. ♥ I write because it's my way of expressing what I couldn't say out loud.

Monday, March 13, 2017

Aalis muna ako. Sana masaya ka.

Aalis muna ako
Tatakasan sandali ang mundo
Magtatago pansamantala
Susubukan kong huminga

Tatahakin ang mahabang daan
Walang pakialam kung saan
Nais ko lang muna kalimutan
Kahit na panandalian

Sana kayang maghilom ng sugat
Lahat ng sakit ibubulong ko sa dagat
Ibabaon ko sa buhangin
Lahat ng alaala natin

Ipapatangay ko sa alon
Sa laot, doon ko itatapon
Mga pangako na binitawan
Sa huli ako pa din ay iniwanan

Dito sa ilalim ng buwan
Bituin nakatunghay sa kalangitan
Iluluha ko na ang lahat
Sa sarili ipapaalala ang dapat

Susubukan kong tumawa
Hahalakhak kasama ng iba
Kahit dinudurog ang puso ko
Kasi ikaw ang sigaw nito

Sana masaya ka
Yan ang dasal ko sa lumikha
Sana makabangon ako
Mahirap, pero kakayanin ko

~RTBR (03122017)

No comments:

Post a Comment