"I once wanted to be a BUTTERFLY..."

About Me

My photo
Makati, Philippines
Organized Chaos. A storm calmed by the King. Daughter of the best Abba. ♥ I write because it's my way of expressing what I couldn't say out loud.

Wednesday, March 22, 2017

Madali Lang Naman

Madali lang naman akong palitan
Sino ba naman ako, diba?
Bigla mo na lamang binitawan
Ni hindi man lang ako naghinala

Madali lang naman akong palitan
Sa akin ay wala namang espesyal
Disisyon kong ikaw ay lapitan
Habang umuusal ng taimtim na dasal

Naniwala ako sa mga sinabi mo
Umasang lahat yun ay totoo
Sino nga ba naman ako, diba?
Wala ~ ngayon ay baliwala.

Akala ko iba ka
Akala ko di ka tulad nila
Nagkamali pala ako
Iniwan mo din ako sa dulo

Akala ko iba ka
Na sayo pwede akong maging masaya
Nagkamali nga ako
Kasi mas masakit ang dala mo

Iniisip ko pa din ano ang nagawa
Para sa akin ay bigla kang kumawala
Naiwan ako na puno ng tanong
Di pa alam paano susulong

Ano nga ba ang ginawa?
Bakit bigla kang nawala?
Baka nga madali akong palitan
Huwag na lang natin ipagpilitan

No comments:

Post a Comment